-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Pasig City government ang isang hotel sa nasabing lungsod matapos na ireklamo sa hindi pagbibigay ng diskuwento sa senior citizen.

Sa sulat na may petsang Enero 16, ay binigyan ng tatlong araw ng Business Permit and Licensing Department ang hotel para magbigay linaw ukol sa reklamo.

Nagbunsod ang reklamo noong Nobyembre 2023 ng hindi nabigyan ng senior citizen discount ang nagrereklamong si Melinda Rada.

Base sa rekamo ng biktima ng lumabas na ito sa hotel ay humingi ito ng 12 percent value-added tax exemption at 20 percent discount bilang nakasaad sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizen Act of 2010.