-- Advertisements --

Tinugunan ng Pasig City government ang hiling ng ilang barangay na malagyan ng mga street light ang kanilang lugar para maiwasan ang paglaganap ng krimen.

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na may ilang barangay na ang kanilang nalagyan ng street lights gaya sa Brgy. Manggahan na nilagyan ng 55 white LED streetlights.

Dagdag pa ng alkalde na plano nilang maglagay ng mga CCTV para tuluyang mabantayan ang nasabing paglaganap ng krimen sa lugar.

Nanawagan din ang city government ng Pasig sa mga residente na agad nilang isumbong ang anumang krimen na nagaganap sa kanilang lugar.