Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang larawan ng bitak-bitak na sahig ng kanilang City Hall.
Nakunan umano ito bandang umaga nitong Sabado, Nobyembre 11, 2023.
Ayon sa alkalde, ang nakakapagtaka, nangyari ang pagkasira ng sahig ng ika-walong palapag kahit wala namang lindol at wala ring tao sa nasabing bahagi ng gusali.
Duda ng opisyal, mayroon talagang structural issue sa City Hall, kaya dapat na silang makalipat sa mas ligtas na tanggapan sa lalong madaling panahon.
Hangad ni Sotto na makaalis sa lumang gusali sa buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan.
“This happened at the 8th floor of City Hall this morning. Walang earthquake, walang tao. Perhaps suggestive of the structural issues i discussed last time. Para lang din alam niyo kung bakit tayo nagmamadaling lumipat sa “Temporary City Hall,” wika ni Mayor Sotto.