Magsasagawa ng bahagyang pagbabago ang city government ng Pasig sa pamamahagi ng cash cards para sa mga senior citizens.
Kasunod ito sa ilang reklamo na hindi na nasunod ang social distancing sa unang araw ng cash card distribution na nagsimula noong Disyembre 12 at magtatapos sa Disyembre 20.
Ayon sa city government na dapat ang mga magtutungo sa nasabing lugar ay yung mga nasa listahan para makapag-claim ng cash card.
Bawat barangay aniya ay mga schedule na araw kung kailan ang pamimigay ng nasabing cash card para sa mga senior citizen.
Mahigpit din ang paalala ng mga ito na dapat sundin ang health protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng facemask at face shield.
Ang nasabing cash card aniya ay mayroon ng kasamang PasigPass QR code at ito ay mayroong regular na Land Bank account na maaaring gamitin ng pangmatagalan.
Isa aniya nakitang paraan ng city government ang pamimigay cash card para sa mabilisang pagbibigay tulong pinansiyal.