May kinuhang karagdagang contact tracers and health frontline workers ang Pasig City government para tumulong sa mga health care system.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Aabot sa 690 na mga contact tracers at 227 medical workers ang tuutlong pandemic response ng lungsod.
Sa 227 na workers ay 28 dito ay mga doctors, 61 ang nurses at 138 ang medical personnel kabilang ang nursing attendants at medical specialist.
Inisyal lamang aniya ang nasabing bilang dahil may inaasahang darating na ibang mga contact tracers.
May ilang personnel kasi ng lungsod ang kasalukuyang naka-quarantine matapos dapuan ng COVID-19.
Plano rin ng lungsod na magdagdag ng vaccination center dahil dumami ang mga nagnanais na magpabakuna laban sa nasabing virus.