Nabunyag ang umano’y pagkakasangkot ng tauhan ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isyu ng troll army.
Kaugnay nito ay hinamon ni dating councilor Atty. Ian Sia si Sotto na magpaliwanag at maglabas ng statement hinggil dito.
Paliwanag ng abogado, posible na ang Executive Assistant ng opisina ng City Administrator na si Maurice Mikkelsen ang umano’y nasa likod ng pagpapalabas ng maling balita sa lahat ng sumasalungat sa mga programa at ginagawa ni Sotton mula pa noong 2019.
Naniniwala si Sia na hanggang ngayon ay ginagamit pa ni Camposano ang iba-ibang Social Media platforms para magpakalat ng maling impormasyon.
Lumilitaw umano sa kanilang pananaliksik na ang mga residential at email address ni Camposano sa kanyang business social media account ay pareho sa ginagamit sa pagbabayad ng milyon-milyong piso sa mga troll accounts.
Maghahain naman aniya sila ng kaso laban sa nasabing empleyado kahit mukhang pinag-resign na ito.
Sa ngayon ay wala pang komento ang kampo ni Mayor Sotto hinggil sa naturang usapin.