-- Advertisements --

Hindi na pinatulan pa ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga birada ng kaniyang kalaban sa pulitika na pawang mga palabas lamang o papogi ang ipinapakita nito sa social media at walang gaanong proyekto ito sa lungsod.

Ayon sa alkalde na dapat ikutin na lamang ng mga kritiko ang lungsod para makita ang mga proyekto na nagawa ng kaniyang pamumuno.

Mas mainam aniya na manahimik na lamang ito dahil sa ang mga taumbayan mismo ang nagpapasahod sa mga halal na opisyal ng lungsod.

Magugunitang pinuna ni Pasig City Vice Mayor Iyo Christian Caruncho-Bernardo ang pamunuan ng alkalde na puro aniya ito papogi sa social media at wala aniyang nagawa ang alkalde na solidong proyekto.