Sinagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang batikos ni dating Mayor Bobby Eusebio na hindi nararamdaman ang diwa ng Pasko sa lungsod dahil sa walang mga makikitang pailaw at mga dekorasyon.
Ayon sa alkalde na hindi lamang siguro nakakaikot ang dating alkalde at sinabi nitong hindi ito gaano karami katulad ng ibang mga local government unit.
Nasa prioridad kasi nila ang pamamahagi ng mga Christmas packs sa lahat ng mga kabahayan ng lungsod.
Ikinumpara pa nito ang ginagawa noon ng pinalitan niyang administrasyon na pawang mga pinili lamang na indibidwal ang nabibigyan ng pamasko mula sa city government.
Umabot sa mahigit P234 milyon para makabili ng 375,000 na Christmas food packs.
Magugunitang sa ilang social media post ni Eusebio na ikinumpara nito ang kaniyang administrasyon na maliwanag ang lungsod dahil sa mga magagarbong dekorasyon para sa pasko.