-- Advertisements --
Nagbitiw na sa kinabibilangang partido na Aksyon Demokratiko si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Sotto, kaya siya kumalas sa nasabing grupo dahil sa hindi na nagtutugma ang kanilang mga nais at saloobin ukol sa usaping politikal.
“I believe that we are no longer a group of individuals with similar political goals and ideals. To me, this defeats the purpose of being a member of a political party,” wika ni Sotto.
Matatandaang Aksyon Demokratiko ang dinala ng alkalde sa nakaraang halalan.
Siya rin ang executive vice president ng partido, habang ang pangulo naman ay si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Matatandaang itinatag ni dating Sen. Raul Rocco ang naturang partido noong 1998.