-- Advertisements --

Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagkalat ng email na umano’y gumagamit ng kaniyang pangalan at imahe ng lungsod.

Nakasaad sa nasabing email na magkakaroon umano ng distribusyon ng food packs para sa mga empleyado ng kanilang city hall.

Ayon sa alkalde, walang katotohanan ang nakasaad sa nasabing email.

Iba ring email address ang ginamit sa nasabing pagpapakalat at hindi ang opisyal email address ng kanilang lungsod.

Nanawagan na lamang ang nasabing alkalde na agad na makipag-ugnayan sa kanilang opisina sakaling makatanggap ng scam email address.