Nagbigay ng babala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko tungkol sa mga “verified” na kumakalat na pekeng mga facebook page nito na nagpapanggap umano bilang mga public officials.
Sa isang Facebook story, nag-post si Sotto ng screenshot ng isang page na tila opisyal page ni Pasig Councilor Angelu De Leon, ngunit may malabong larawan ng isang banyagang lalaki.
‘Councilor Angelu De Leon di mo naman sinabi na may new look ka pala, ‘ ani Sotto.
Ipinunto ni Sotto na ang mga social media pages na ito ay ginagamit upang i-report ang mga original na public official pages ng lungsod bilang ‘impersonation,’ kaya madalas umano na nasususpend ang mga original pages ng mga ito. Ayon pa sa kanya, ang mga pages na ito ay mukhang mga luma at mga foreign pages.
‘As of 2 p.m. the page has been taken down,’ sabi ni Sotto.
Sa isa pang story, nag-post din si Sotto ng larawan ng isa pang verified na facebook page na pinangalanang ‘Mayor Vico Sotto Supporters.’
‘Ito isa pang sample ng ginagawa nila, please help spread awareness and report when you see it. Hindi natin sasabayan ang troll farms at social media operations nila, kayo lang ang inaasahan ko. Salamat,’ dagdag ni Sotto.