Hindi rin nakaligtas si Pasig City Mayor Vico Sotto sa banta na hatid ng COVID-19.
Sa kanyang social media posts ay ibinahagi ng alkalde ang kanyang malungkot na balita nang magpositibo ito sa nasabing virus at kasalukuyang nakararanas ng lagnat, pangangati ng lalamunan, at pananakit ng katawan.
Ikinwento pa niya na hindi siya nahawaan ng virus kahit na ilang beses na itong nagkaroon ng close contact sa mga taong may delta kabilang na ang kanya mismong driver.
Nagpapatunay lang aniya ito na matindi talaga ang pagkalat ng omicron variant kung kaya’t patuloy niyang pinapaalalahanan ang publiko na palaging mag-ingat, magpalakas ng resistensya, at maging responsable.
Pinayuhan din niya huwag munang lumabas at agad na sumailalim sa quarantine ang mga indibidwal na nakararamdam ng sintomas nito.
Samantala, magugunita na ilang mga opisyal na ng national at local government ang nagpositibo na rin sa COVID-19 tulad na lamang nina DILG Secretary Eduardo Año na pangatlong beses nang tinamaan ng nasabing virus, at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na pangalawang beses nang nagpositibor sa nasabing sakit.