-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos na magpositibo sa coronavirus.
Sinabi nito na nakaranas siyang mga sintomas ng COVID-19.
Humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga nakanselang pagpupulong para ngayong linggo.
Magiging virtual muna ang kaniyang pulong habang ito an naka-isolate at habang hindi nawawala ang sintomas.
Nanawagan ito publiko na dapat ay sumunod pa rin ang lahat sa protocol para hindi madapuan ng nasabing virus.