Naglaan na ng P300-milyon ang pamahalaang lungsod ng Pasig para sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, nakikipag-usap na rin daw ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang mga pharmaceutical companies para sa procurement ng coronavirus vaccine.
Sinabi pa ng alkalde, kahit anong brand ng bakuna ay wala raw problema sa kanila basta aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) at mataas ang efficacy rate.
Magiging prayoridad aniya sa vaccination program ang mga health care workers at mga matatanda.
Tiniyak naman ni Sotto na magiging transparent sila sa procurement process.
Una rito, naglaan na rin ng pondo ang mga siyudad ng Maynila at Makati upang ipambili ng mga bakuna para sa kanilang mga residente.
Samatala, inihayag ni Sotto na naghahanda na raw ang Pasig para sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang holiday season.