-- Advertisements --
Nagtayo ng temporaryong holding area ang Pasig City local government para makatulong laban sa paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, naisipan nilang gumawa ng temporaryong holding area para lalong mapalawig ang serbisyo ng mga emergency room at hospitals.
Sinabi nito na doon ilalagay ang mga pasyente ng hanggang tatlong oras na may kritikal na sintomas.
Dagdag pa nito, magiging operational na ito ngayong araw at tanging ang mga mayroong moderate cases lamang ang tatanggapin doon.
Kayang hawakan ng hanggang limang COVID-19 beds ang nasabing holding area at ito ay dadagdagan pa.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 16,697 na kaso ng COVID-19 sa Pasig kung saan 13,087 ang gumaling na at 563 ang nasawi.