-- Advertisements --

Inilabas na ng Pasig City RTC ang alias warrant of arrest laban sa pugante at nagtatagong pastor na si Apollo Quiboloy.

Ito ay may kinalaman sa human trafficking na kaso ng ni Quiboloy

Ang alias warrant of arrest ay iniisyu sa tuwing hindi naihahain ang arrest order laban sa isang indibidwal .

Karaniwang dahilan nito ay dahil hindi mahanap ng mga otoridad ang nagtatagong pugante na nahaharap sa kasong kriminal.

Pinahihintulutan nito ang mga awtoridad na i-renew ang kanilang efforts na hulihin ang isang indibidwal , tulad ng kaso ni Apollo Quiboloy.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga law enforcement agency sa nasabing Pastor.

Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong sexuat abuse at qualiffied-human trafficking.