-- Advertisements --
Nag-anunsiyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng temporaryong suspensiyo ng operasyon ng Pasig River Ferry Service ngayong Holiday break.
Base sa anunsiyo ng MMDA na tigil ang operasyon ng ferry sa Disyembre 25 o araw ng Pasko at Disyembre 26 na deklaradong Special Non-Working Day.
Kasama rin na walang operasyon sa Disyembre 30 o Rizal Day at Enero 1, 2024 o Bagong Taon.
Balik sa normal operasyon naman sa mga petsa Disyembre 27, 28 at 29.