-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pasig City Police chief PSSupt. Orlando Yebra na nagpasabi ang pamahalaang lokal ng Pasig City ng kanilang interest na madadagdag para sa reward money sa sinuman ang makapagbigay ng mahahalagang impormasyon para sa ikalulutas ng kaso ng pagpatay sa isang bank employee sa lungsod.

Nasa P100,000.00 ang reward money na inilaan para sa sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa kalutasan ng kaso.

Ginahasa, pinatay at sinunog ang hubad na katawan ng biktima na si Mabel Cama, 22-anyos.

Sa ngayon, hawak na ng Pasig Police ang suspek na si Randy Oavenida na kaniyang fingerprints ang tumugma sa cellphone ng biktima batay sa resulta ng Crime Laboratory.

Inihayag ni Yebra na isa pa lang ang suspek na hawak nila sa ngayon, subalit naniniwala sila na may kasama si Randy sa paggawa nito ng krimen.

“Sa ngayon isa pa lang ang arestado natin pero kami po ay hindi naniniwala na gagawin nila nang mag isa yun. Sa ngayon tuloy tuloy ang ating investigation,” wika ni Yebra.

Bukas Lunes, November 30, nakatakdang i-inquest ang supek.

Ayon kay Yebra, kanila ng inaasahan na itatanggi ng suspek ang krimen.

“Yung pag amin niya ng pangunahing suspek sa pagpatay sa bank employess sa Pasig ay inaasahan namin na hindi niya gagawin pero siya po ang tinuturo ng ebidensiya kayat walang siyang magagawa roon,” pahayag ni Yebra.