-- Advertisements --

Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy si Pasig Mayor Vico Sotto para sa pagtakbong muli bilang alkalde ng Pasig.

Kasama ni Vico Sotto ang kanyang ina na si Coney Reyes at amang si Vic Sotto sa paghahain ng kandidatura para sa 2025 midterm elections.

Naghain rin ng COC para sa pagka-Bise Alkalde ng Pasig si Vice Mayor Dodot Jaworski na katandem ni Sotto.

Kasabay nito ay ipinakita ni Vico sa media ang ilang ebidensya mula sa Security Exchange Commission na magpapatotoo na konektado ang St. Gerrard Construction sa St. Timothy Construction Corporation.

Ito ang kompanyang nag-backout sa joint venture partner ng Comelec na Miru Systems.

Sinasabing ang St. Gerrard Construction ay pagmamayari ni Sara Discaya na makakalaban umano ni Sotto bilang alkalde ng Pasig City.

Nahaharap naman si Vico Sotto sa dalawang graft case habang sinabi lamang ng alkalde na ito ay napapanahon at interesting.