-- Advertisements --
Nakuha ng kumpanyang San Miguel Corp ang pagtatayo ng Pasig River Expressway (PAREX).
Sinabi ni SMC CEO Ramon Ang, napirmahan na nila ng Department of Transportation (DOTR) ang Supplemental Toll Operations Agreement.
Itinuturing na isa itong kauna-unahang green hybrid highway at future urban transport.
Pinangunahan ni DOTr Secretary Art Tugade at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Toll Regulatory Board at ilang ahensiya ang nasabing pirmahan ng kasunduan.
Inaasahan ang PAREX na magdudugtong sa Road-10 sa Manila, EDSA, C5 at C6.
Ang P95 bilyong bagong tollway aniya ay kayang i-accomodate ang mga bus rapid transit system, bisekleta, pedestrians at water ferries.