-- Advertisements --

Inanunsiyio ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry System sa Semana Santa.

Base sa abiso ng MMDA na simula Abril 5 hanggang Abril 10 ay walang operasyon ang Pasig River Ferry System.

Sasamantalahin nila ang pagkakataon na magsagawa ng mga maintenance work sa mga pumapasadang ferry boat.

Magiging normal ang operasyon ng Pasig Ferry Service sa Abril 11.