-- Advertisements --

Pinayagan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 ang motion ni Kingdom of Jesus Christ Apollo Quiboloy na manatili sa pagamutan habang nagpapagaling dahil sa pneumonia.

Sinabi ni Atty. Israelito Torreon ang abogado ni Quiboloy, na hinihintay pa nila ang findings ng pagamutan sa mga test kay Quiboloy kung hanggang kailan ito mananatili sa pagamutan.

Ipapaubaya na rin nila ang desisyon ng korte ganun din ang rekomendasyon ng kaniyang doktor ukol sa nasabing pagpapanatili nito sa pagamutan.

Inutos din ng korte na ilipat na lamang siya sa Pasig General Hospital mula sa Medical City.

Giit pa ni Torreon na kaya nagkasakit si Quiboloy dahil sa hindi magandang ventialtion sa Pasig City Jail lalo na at edad 74 na ang dating lider ng KOJC.

Magugunitang noong Nobyembre ay itinakbo na rin sa pagamutan si Quiboloy dahil sa abnormal na pagtibok ng puso at ang mouth infection mula sa kaniyang dental implants.

Nahaharap sa kasong human trafficking si Quiboloy sa Pasig City Trial Court at noong Enero 18 ay dinala na ito sa pagamutan matapos makitaan ng pneumonia.