-- Advertisements --

Bilang kanilang ambag sa pagsugpo sa 2019-novel coronavirus,nag-alok ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpagamit ng kanilang mga pasilidad bilang quarantine site para sa mga persons under monitoring (PUM).

Nilinaw naman ng Kalihim ng DSWD na si Rolando Bautista na dapat munang pumasa sa mga pamantayan na itinakda ng Department of Health (DOH) ang mga pasilidad na ito.

Hindi pa naman umano naaprubahan ng DOH ang anuman sa kanilang mga pasilidad bilang quarantine site.

Kaugnay nito, isasailalim naman sa pagsasanay ang mga social workers na namamahala sa mga pasilidad kung paano asikasuhin ang mga PUM.

Maliban pa, bibigyan din ang mga ito ng personal protective gear bago asikasuhin ang mga PUMs para sa psychosocial interventions at stress debriefing.

May inihanda na rin umanong team na mag-aasikaso sa mga nagbabalik na mga Pilipino na sasailalim sa 14 day quarantine.