Sinuspendi ang klase sa ilang lugar sa bansa ngayong Martes, Setyembre 17 dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyong Gener at ng habagat.
Narito ang listahan ng mga lugar na nagsuspinde ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan:
Sa Zambales, walang pasok mula pre-school hanggang SHS sa Candelaria, San Felipe at Botolan
Gayundin suspendido ang pasok sa trabaho at mga klase sa lahat ng antas sa San Marcelino, Zambales.
Walang ding klase mula pre-school hanggang SHS sa Infanta, Quezon.
Lahat din ng antas sa mga paaralan sa mga probinsiya ng Ilocos Sur at Pangasinan ay nagsuspendi ng klase gayundin sa Tarlac City, Tarlac.
Sa ilalim nga ng guidelines ng Department of Education, awtomatikong suspendido ang in-person classes mula Kinder hanggang Grade 12 kapag nakataas ang anumang tropical cyclone wind signal sa isang lugar.
Inaasahan na lalabas ng La Union o Pangasinan ang bagyo ngayong araw.