Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang suspension ng pasok sa gobyerno sa executive branch mula alas 3 ng hapon sa darating na Setyembre 23.
Kasunod ito sa obserbasyon ng “Family Week” na ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng Setyembre at ang “Kainang Pamilya Mahalaga” Day na ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Lunes ng Setyembre.
Ang nasabing deklarasyon ay base sa inilabas na Memorandum Circular 64 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin noon pang Setyembre 23.
Hindi naman kasama dito yung mga opisina na nagbibigay ng basic at health service, nagreresponde sa mga kalamidad at ibang mga essential services.
Hinikayat din ng Malacanang ang lahat ng mga manggagawa ng gobyerno sa Executive branch na suportahan ang nasabing programa dahil ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa Family Week na inorganisa ng National Committee on Filipino Family.