-- Advertisements --

Idineklara ng Malacañang na magiging half-day lamang ang pasok ng lahat ng government offices sa Marso 27 o Miyerkules Santo.

Ayon sa Memorandum Circular 45 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hanggang alas-12 lamang ng tanghali ang pasok ng lahat ng mga government offices sa araw ng Miyerkules.

Layon ng nasabing memorandum ay para magkaroon ng oras na makabiyahe pauwi sa kanilang mga probinsiya ang mga empleyado ng gobyerno para sa obserbasyon ng Semana Santa.

Hindi naman kasama dito ang mga empleyado ng gobyerno na ang trabaho ay may kinalaman sa emergency response at pagbibigay ng basic health services.

Ipinapaubaya rin ng Malacañang sa mga pribadong sektor na magsuspendi ng kanilang pasok.