Sumabay na rin sa pagbubukas ng klase ngayong araw ang mga mag-aaral sa Kalayaan Island, Palawan na nasa West Philippine Sea.
Ayon kay school supervisor Federico Dacaga, mahigit 100 ang mga estudyante sa kanilang paaralan ngayon.
Sinasabing pumasok na ang mga bata kahit wala pa doon ang kanilang regular na guro, dahil nauna na itong dumalo sa isang mahalagang seminar.
Sinasabing may mga tauhan naman ang paaralan na siyang nangangasiwa para sa orientation ng mga bata.
Hangad ng mga nangangasiwa ng eskwelahan sa isla na mabigyan ng sapat na tulong ang kanilang lugar para mapunan ang maraming pangangailangan ng mga kabataan at guro.
Ito ay para hindi na maging alalahanin sa kanila kahit may mga dumarating na bagyo at malalakas na pag-ulan sa nasabing isla.