-- Advertisements --
Sinuspendi ng Malacañang ang lahat ng pasok ng mga government offices sa Metro Manila ngayong araw kasunod ng pagtama ng 6.1 magnitude na lindol.
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo na ang suspension ay base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) para mabawasan ang bilang ng mga mananakay sa pampublikong transportasyon.
Hinikayat din nito ang mga gobernador ng apektadong probinsiya na magsagawa inspeksyon sa mga nasirang inprastraktura at tiyakin ang kaligtasang ng mga mamamyan.
Magugunitang itinigil ang operasyon ng LRT at MRT kahapon matapos na maramdaman sa Metro Manila ang nasabing pagyanig.