-- Advertisements --
Wala pa ring pasok hanggang ngayong araw ang lahat ng mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa Pasay City.
Ito ay dahil pa rin sa mataas na heat index na naitatala sa naturang lungsod.
Layon rin ng suspensyon na ito na mailayo ang mga mag-aaral sa anumang masamang dulot ng matinding init ng panahon.
Batay sa impormasyon ng Pasay City Public Information Office, ito ay alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 42 ng alkalde ng Lungsod na si Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Nakasaad dito na tuwing papalo sa 42 degrees celsius ang heat index ay mananatili ang suspensyon na ito sa lahat ng antas ng paaralan.
Maaari naman aniyang gamitin ang ibang alternatibong pagtuturo para magpatuloy ang pagkatuto ng mga bata.