-- Advertisements --
Pinayagan ng pumasok sa kanilang mga paaralan ang mga bata sa Denmark matapos na luwagan nila ang ipinatupad na lockdown.
Mismong si Prime Minister Mette Frederiksen ang sumalubong sa mga bata sa kanilang pagpasok sa eskuwela matapos na mahigit isang buwan na kinansela ang klase dahil sa coronavirus pandemic.
Isa kasi ang Denmark sa mga bansa sa Europa na nagpatupad ng lockdown mula pa noong Marso 12.
Bagamat bumaba na ang mga nadadapuan ng virus ay maraming kritiko pa rin ang nagbabala na baka mas lalong tumaas pa ang kaso.