-- Advertisements --

Sinuspinde na ni Speaker Alan Peter Cayetano ang pasok ng lahat ng mga empleyado ng Kamara alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hakbang kontra COVID-19.

Ayon kay Secretary General Atty. Jose Luis G. Montales, walang pasok sa Kamara mula Marso 16 hanggang Abril 12.

Subalit magpaptupad naman ng rotating skeletal workforce sa mga empleyadong napapabilang sa ilalim ng Office of the Sergeant at Arms – Legislative Security Bureau, Finance Department, Engineering and Physical Facilities Department, at Information Communications Technology Service.

Ang mga hindi sakop dito ay papahintulutang magtrabaho sa labas ng Kamara pero obligadojg magsumite ng kanilang assigned outputs gamit ang telecommunication at online technologies.

Shbalit dahil kailangan pa ring matiyak ang continuity sa serbisyo publiko, sinabi ni Montales na on-call pa rin ang mga emplaydo ng Kamara at maaring obligahing pumasok para gampanan ang kanilang trabaho para sa kapakanan ng publiko.

Samantala, maari pa rin namang magdaos ng committee hearings, briefings, at conferences sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para na rin makatulong sa paghahanap ng solusyon at pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19 at mapahupa ang epekto nito.

Sakaling mangyari ito, binigyan diin ni Montales na mahigpit na ipapatupad ang direktibang social distancing.

“These work arrangements are meant to balance our concerns for the health and safety of the HRep personnel, and our duty to the nation as public servants,” ani Montales.

“We urge everyone to stay calm as we continue to take all actions to prevent the spread of COVID-19 in HRep and the rest of the country,” dagdag pa nito.

Nauna nang kinumpirma ni Montales na isa sa mga staff ng Printing Service office ang nagpositibo sa COVID-19.

Bukod dito, ilang kongresista na rin ang nagpasyang sumailalim sa self-quarantine matapos makahalubilo ang ilang personalidad na nagkaroon ng exposure sa COVID-19 patients.