-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Balik na sa normal ang trabaho sa mga government offices ngayong araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Sa inilabas na abiso ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), ni-lift na ang suspension sa trabaho dahil sa mabuti nang lagay ng panahon.

Nananatili namang walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lalawigan.

Kinakailangan muna kasi umanong masuri ang sitwasyon ng mga school building upang matiyakan ang seguridad ng mga mag-aaral.

Samantala, nagpatupad naman ng decampment ang mga local DRRM council sa aabot sa 200, 000 katao na inilikas bago ang pananalasa ng bagyo.