LEGAZPI CITY – Wala nang pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tabaco sa Albay ngayong araw.
Ito ay kaugnay ng nararanasang malakas na buhos ng ulan sa lalawigan simula pa kahapon.
Sa ipinalabas na advisory ng Tabaco City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), layunin ng class suspension na masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng mga pagbaha.
Samantala, sa kabila ng malakas na pag-ulan ay buhos na ang mga pasahero sa Legazpi City port upang makauwi sa kanilang mga probinsya at maagang makabisita sa kanilang mga namaalam na mahal sa buhay.
Nilinaw naman ng port authorities sa lungsod ng Legazpi na walang nakataas na gale warning sa kasalukuyan subalit patuloy na pinag-iingat ang publiko.