Inanunsiyo ng Palasyo ng Malacañang na suspendido ang pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno simula sa Abril 5 kasabay ng paggunita ng Holy week.
Sa ilalim ng Memorandum No. 16, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na otorisado ni Pangulong Marcos, ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ay suspendido simula alas-12 ng tanghali sa April 5 onwards para mabigyan ng mahabang panahon ang mga empleyado na makapagbiyahe patungo at mula sa kani-kanilang probinsiya para sa lenten season.
Ito ay kasabay ng pag-obserba ng regular holidays sa Abril 6 o Maundy Thursday at Abril 7 o Good Friday.
Tiniyak din ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nakahanda ang pamahalaan na umalalay at tugunan ang pangangailangan ng publiko ngayong papalapit na holy week.