-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Office of the Executive Secretary ang kanselasyon ng pasok sa lahat ng paaralan sa National Capital Region.

Bunsod pa rin ito sa malakas na pag-ulan na dala ng bagyong “Enteng”.

Base sa inilabas na abiso ng Presidential Communications Office, na isinagawa ang anunsiyo matapos ang rekomendasyon mula sa National Disaster Risk Reduction Management Council.

Magugunitang ilang lugar na rin sa bansa ang inilagay sa signal number 2 dahil sa malakas na pag-ulan mula sa bagyong Enteng.