-- Advertisements --

Idineklara ngayon ng Supreme Court (SC) ang “half-day work” sa lahat ng korte sa buong bansa sa April 17, 2019, Miyerkules Santo.

Ang direktiba bi Chief Justice Lucas Bersamin ay alinsunod na rin sa naaprubahang SC calendar.

Paliwanag ni Bersamin, it ay para bigyang-pagkakataon ang mga empleyado ng Hudikatura na uuwi sa mga probinsiya na makabiyahe para sa paggunita sa Semana Santa.

Batay sa kautusan ng Korte Suprema, kalahating araw lamang ang pasok sa mga korte sa buong bansa.

Ang mga korte naman na nasa local government owned or controlled buildings ay magkakaroon ng “whole-day work suspension,” kung magdedeklara ang lokal na pamahalaan.

Pero kung hindi magdedeklara ang LGU, susundin pa rin ng mga ito ang half-day work schedule.

Sa Huwebes at Biyernes Santo naman ay walang pasok ang Hudikatura.