-- Advertisements --

Sinuspendi ng Malacañang ang pasok ng gobyerno at mga klase sa buong Luzon sa araw ng Huwebes Oktubre 24, 2024 dahil banta pa rin ng bagyong Kristine.

Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Hindi naman kasama na kinansela ang mga nagbibigay ng basic at health services, preparedness/ mga nagreresponde sa mga bagyo at kalamidad at ibang mga kalahintulad na mga serbisyo.

Ipinapaubaya rin ng Malacañang sa mga may-ari ng private companies kung sila ay magkakansela ng kanilang pasok.