-- Advertisements --

Muling sinuspendi ng Malacañang ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno ganun din ang mga mag-aaral ng lahat ng antas sa buong Luzon sa araw ng Biyernes Oktubre 25, 2024 dahil sa bagyong Kristine.

Inanunsiyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing pagsuspendi nitong Huwebes ng gabi.

Dagdag pa nito na dahil sa nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 hanggang 3.

Hindi naman kasamang kanselado ang pasok ang mga nasa ahensiya na nagbibigay ng mga basic at health services, preparedness/ responses sa disasters at kalamidad.

Ipinapaubaya naman ng Malacañang sa mga employer private companies kung kanilang kakanselahin ang pasok ng kanilang empleyado.