-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinansela na ng pamahalaan ng Bahrain ang klase sa mga paaralan nito para sa susunod na 14 araa dahil sa nadagdagan pang bilang ng mga nag-positibo sa novel coronavirus (COVID-19) sa kanilang bansa.

Sa mensaheng ipinadala ni Bombo International correspondent Mona Barredo na may dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa Bahrain.

Natukoy umano ang pagkakakilanlan ng mga ito na isang Bahrain national at Saudi national na kapwa galing ng kalapit na bansang Iran.

Dahil dito nasa 47 na ang COVID-19 cases ng nasabing Middle East state.

Wala na rin daw halos gustong pumasok ng kanilang trabaho dahil sa takot na mahawaan ng sakit.

Iilan na lan din umano ang mga establisyemento gaya ng malls na nago-operate.