LAOAG CITY – Sinuspinde ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsya dahil sa banta ng coronavirus.
Ito ay matapos naglabas ng Executive Order (EO) si Governor Matthew Marcos-Manotoc.
Nakasaad sa EO ang pag-disinfect ng mga school officials at administrator sa mga classrooms at hindi mapapayagan ang mga estudyante na pumasok habang suspendido ang klase.
Wala namang nasabing petsa sa inilabas na utos ni Gov. Marcos kung kailan babalik ang klase ng mga estudyante.
Samantala, nanawagan si Ilocos Norte DepEd Supt. Doctor Joanne Corpuz sa lahat ng mga magulang na huwag nilang papalabasin ng bahay ang kanilang mga anak para maproktesyunan ang mga ito laban sa COVID-19.
Sinabi ni Corpuz na lahat ng achievements at performance ng mga magaaral simula nung 1st grading hanggang 3rd grading ang icocompute na lamang ng mga guro para sa grado nila sa 4th grading.