Pasok sa mga paaralan sa Masbate, suspendido pa rin dahil sa pensalang iniwan ng magnitude 6 na lindol; 12 klasrum, tota
Unread post by news.legazpi » Fri Feb 17, 2023 1:03 pm
LEGAZPI CITY- Suspendido pa rin ang pasok sa mga paaralan sa lalawigan ng Masbate matapos ang pagtama ng magnitude 6 na lindol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mark Antony Rosal ang Project Development Officer II ng PDRRMO Masbate, delikado pang bumalik sa mga paaralan dahil sunod-sunod pa ang mga naitatalang aftershocks kasama na ang magnitude 4.6 na naramdaman sa bayan ng Batuan kaninang alas 5:38 ng umaga.
Base sa assestment ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, karamihan sa mga klasrum ay nakitaan ng mga minor damage na nagkaroon mg bitak subalit 12 sa mga ito ay totally damage.
Mula ang mga ito sa bayan ng Batuan at San Fernando kung saan dati na umanong may sira ang mga klasrum dahil sa mga nagdaang lindol at bagyo.
Dahil naman sa suspensyon, online na muna o modular scheme ang klase ng mga estudyante habang hindi pa naisasaayos o nakakapagpagawa ng magagamit na klasrum.
Mahigpit naman ang abiso ng opisyal sa publiko na manatiling maingat at iwasan na munang pumunta sa mga gusali na may mahina ng pundasyon lalo pa’t asahan na ang mga susunod pang aftershocks.