-- Advertisements --

Magsisimula sa June 16, 2025 ang pasukan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa, ayon sa Department of Education. 

Ang pagsisimula ng klase na ito ay tanda ng pagbabalik sa pre-pandemic school calendar, gaya ng nakabalangkas sa DepEd Order No. 12, Series of 2025.

Tatakbo ang school year 2025-2026 hanggang March 31, 2026 kung saan binubuo ng 197 na araw ng klase, kabilang  ang End-of-School-Year (EOSY) rites. 

Ayon sa kagawaran, maaaring mabago pa ang bilang na ito batay sa mga hindi inaasahang pangyayari at mga direktiba sa hinaharap.

Samantala, ayon naman kay Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian, ang 

pagpapatuloy ng klase sa Hunyo ay makatutulong na maibalik sa normal ang pakiramdam ng mga mag-aaral at guro matapos ang Covid-19 pandemic. 

Makatutulong din ito aniya upang makaiwas ang mga estudyante at guro sa matinding init ng panahon. 

Ayon sa senador, hindi naging madali ang proseso para maibalik ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo, ngunit nagawa ito.