GENERAL SANTOS CITY – Nagpatupad ng suspensyon ng klase sa lahat ng levels sa public at private schools sa lungsod ng Heneral Santos para sa araw ng Lunes, December 16.
Ito ay bunsod ng tumamang magnitude 6.9 na lindol sa Matanao, Davao del Sur bandang alas-2:11, Linggo ng hapon (December 15).
Naramdaman kasi ang lindol sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Narito ang listahan ng iba pang mga lugar na suspendido ang klase nitong araw: Davao City (all levels both public at private); Matanao, Davao Del Sur (all levels both public at private); Padada, Davao Del Sur (all levels both public at private).
Nabatid na intensity VI ang naitala sa GenSan at sa ilang bayan ng Sarangani province.
Marami ang dinala sa iba’t ibang mga ospital matapos ang malakas na lindol.
Ang ibang mga residente ay nawalan ng malay dahil sa matinding takot, pagkahilo at pakikipagsiksikan na rin sa iba pang mall goers na nais na makalabas ng mall.
Nagkaroon rin nga mga malalaking bitak ang ilan sa mga malls.
Ang mga pasyente naman ay kaagad na inilikas palabas ng pagamutan bitbit ang kanilang dextrose para sa kanilang kaligtasan