-- Advertisements --

Sinuspendi na ng Malacañang ang pasok sa paaralan sa Metro Manila at Calabarzon sa araw ng Martes, Setyembre 3 dahil sa bagyong Enteng.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na kabilang din na sinuspendi ang pasok sa government offices.

Nasa desisyon na rin ng mga private companies ang pagpapasya kung kanilang sususpendihin ang pasok ng kanilang empleyado.

Hindi naman kabilang na sinuspendi ang mga ahensiyan na may kinalaman sa pagliligtas ng buhay tuwing may mga bagyo at sama ng panahon.