-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na hindi na sila lumalabas ng bahay dahil sa malawakang rally laban sa isinusulong na extradition bill sa nasabing bansa.

Sa ipinadalang mensahe sa Bombo Radyo Laoag ni Melinda Bangi, tubong Marcos, Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Hong Kong, kanselado na lahat ng pasok sa eskwelahan at opisina dahil sa tumitinding kilos protesta sa nasabing bansa.

Sinabi ni Bangi na pinagbawalan na rin sila ng kanilang amo na lumabas ng bahay para masiguro ang kanilang seguridad.

Samantala, sinabi naman ni Anita Ragadi, hindi sila pabor sa nasabing panukala dahil kahit silang mga Pilipino sa nasabing bansa ay maapektuhan kung sakaling makapasa ito.