-- Advertisements --

Nag-emergency ang pampasaherong eroplano ng Canada dahil sa engine trouble.

May laman na 128 pasahero ang Air Canada kaya matapos na magkaroon ng makaranas ng problema sa makina ay ligtas itong lumapag sa Barajas airport sa Madrid.

Wala namang naitalang nasaktan sa paglapag ng Boeing 767-300.

Sa inisyal na imbestigasyon ay nagkaroon ng problema sa landing gear ang Air Canada flight AK837 kaya ito nag-emergency landing.

Inilipat naman sa ibang eroplano ang mga sakay ng nabanggit na nagkaaberyang pampasaherong eroplano ng Canada.