-- Advertisements --
image 367

Sumadsad ang passenger vessel ng MV Reina Xaviera sa Dapa Boulevard sa Dapa, Siargao Island, ikaw-27 ng Mayo, 2023.

Ayon sa shipping lines, dahil daw sa malakas na hangin at nagkaroon pa ng engine trouble kaya ito sumadsad.

Agad naman na nai-rescue ang 38 na pasahero na sakay ng naturang passenger vessel at nailipat sa maliit na bangka sa panguguna ng LGU ng Dapa at assistance ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.

Agaran ding kinansela ng MARINA ang Cargo Ship Safety Certificate (CSSC) ng MV Reina Xaviera.
Ayon sa Montenegro Operation Personnel, hahatakin naman bukas ng umaga ng MV Xaviera ang MV Reina dahil walang tugboat na available sa nasabing area ngayong araw