-- Advertisements --
Hong kong protests rallies 1

Napilitan ang Hong Kong police na i-check ang bawat passports at air tickets ng bawat turistang lumalabas at pumapasok sa lungsod bilang hakbang upang maiwasan ang posibleng pagsasama-sama muli ng mga raliyista para manggulo.

Nagbabala na rin ng operator ng Hong Kong International Airport sa kanilang pasahero na kung maaari lamang ay iwasan muna ang bus station ng paliparan o di kaya’y kaagad na umalis matapos manakot ng mga nag-aalsa na muling tatarget-in ang naturang travel hub.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang maayos na operasyon ng paliparan sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga kapulisan.

Tanging may sapat na travel documents lamang ang pinapayagan ng mga airport security personnel na makapasok ng terminals habang daan-daang pulis ang nagbabantay sa loob.