-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO -Kahit sa gitna ng pandemya ay tagumpay parin ang 7th Pastil Festival sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao kasabay ng 21st Foundation Day Anniversary.

Sinabi ni Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal na mahigpit nilang pinatutupad sa selebrasyon ang health protocols kontra Covid-19.

Nagkaroon nang pa-contest sa pagkain ng pastil at may pa-raffle pa na pinangunahan mismo ng unang ginang ng bayan na si Bai Kristel Montawal katuwang ang lokal na pamahalaan.

Inihayag naman ni Vice-Mayor Datu Vicman Montawal na nagkaisa ang mamamayan ng Datu Montawal para labanan ang pagsubok sa krisis sa kalusugan.

Nagpaalala si Mayor Montawal na kahit abala ang lahat kontra Covid 19 ay nagpapatuloy parin ang kanilang war on drugs,illegal gambling at pagsawata sa Armed Lawless Group lalo na ang mga terorista.

Samantala,todo suporta naman ang Alkalde at Mamamayan ng Datu Montawal sa sinusulong na pagpapalawig ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) hanggang 2025.

Naniniwala si Mayor Montawal na sa ilalim ng pamumuno ni Interim Chief Minister Ahod Murad Ebrahim ay uunlad pa ang Bangsamoro Region tungo sa pagkakaisa para makamtan ang totoong kapayapaan.