-- Advertisements --

ENTRAL MINDANAO-Dinagsa ng mamamayan at mga bisita mula sa karatig probinsya ang 9th Pastil Festival kasabay ng 23rd Founding Anniversary sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao Del Sur.

May pa-contest ang LGU-Datu Montawal sa paggawa ng pastil at pagkain.

Ang pastil ay kilalang masarap na pagkain na gawa sa nilutong palay rice,may halong giniling na manok at ibinalot sa dahon ng saging.

Sinabi ni Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal na dahil patok ang pagkaing pastil sa kanilang lugar ay maglalagay ang LGU ng pastilan ng bayan.

Maliban sa Pastil Festival tagumpay rin ang ibat-ibang programa na nakahanay sa 23rd Founding anniversary sa bayan ng Datu Montawal.

May pa-premyo rin,namigay ng bigas at ibang mga grocery items ang unang ginang ng bayan na si Bai Kristel Montawal na laging katuwang ng mag-amang Mayor Datu Ohto at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal sa mga proyekto at programa ng LGU.